top of page

Ang Konteksto ni Sisa at ang Pananaw ni Rizal sa Diskriminisasyon sa mga Kababaihan


Upang maunawaan natin ng mabuti kung ano ang nais ipahatid ni Rizal sa karakter niyang si Sisa, kailangan din nating maintindihan ang kontekstong pinagmulan nito – ang lipunang ginagalawan ni Rizal, at kung ano ang kalagayan nito pagdating sa mga isyu ng kasarian, uri at katayuan ng mga mamamayan.

Noong ika-19 siglo, nakita ang unti-unting pagbagsak ng Espanya bilang isang makapangyarihang bansa – ang Penininsular War, mga rebelyon sa mga kolonya tulad ng Cuba, at ang mga argumento sa pagitan ng mga liberal at konserbatibo sa kanilang pamahalaan ay naging daan sa destabilisasyon ng gobyerno ng Espanya.

Ang simbahang Katoliko ay nagsilbi ring tunay na kapangyarihang namamahala sa Pilipinas, dahil sa paulit-ulit na pagpalit ng mga tao sa gobyerno, at pagkawala ng tiwala ng taumbayan sa kanila, ang simbahan ang naging gabay na sinusundan ng mga mamamayan.

Noong panahong ito rin naganap ang Rebolusyong Industriyal – na nagsimula ng paggalaw ng ekonomiya palayo sa agrikultura papunta sa manufacturing, na naging daan din para sa paglilipat ng mga tao patungo sa mga siyudad mula sa mga probinsya, sa urbanisasyon. Dahil sa pagdami ng mga kalalakihang naging trabahador sa mga pabrika, naging mas karaniwan rin para sa mga kababaihan na maging maybahay na nasa tahanan at nag-aalaga ng mga anak.

Makikita ang impluwensya ng estadong ito ng lipunan sa mga akda ni Rizal, at kung ating titingnan ang karakter ni Sisa mula sa Noli Me Tangere, makikita ang karaniwang pananaw sa ideyal na kababaihan noong panahong ito – mahinhin, maalaga, isang butihing ina na domestikado. Makikita rin na isa siyang babae na biktima ng abuso mula sa kanyang sariling asawa, na kanya lamang tinatanggap, at ang kanyang pangunahing prioridad ay ang kalagayan ng kanyang mga anak.

Ngunit, hindi nalilimita ng mga karakter sa kanyang mga nobela ang pananaw ni Rizal ukol sa mga kababaihan. Sa kanyang Letter to the Young Women of Malolos, nakasulat:

“When I wrote Noli Me Tangere, I asked myself whether bravery was a common thing in the young women of our people. I brought back to my recollection and reviewed those I had known since my infancy, but there were only few who seem to come up to my ideal. There was, it is true, an abundance of girls with agreeable manners, beautiful ways, and modest demeanor, but there was in all an admixture of servitude and deference to the words or whims of their so-called "spiritual fathers" (as if the spirit or soul had any father other than God), due to excessive kindness, modesty, or perhaps ignorance. They seemed faced plants sown and reared in darkness, having flowers without perfume and fruits without sap. However, when the news of what happened at Malolos reached us, I saw my error, and great was my rejoicing.”

Sinulat ang liham na ito ni Rizal sa orihinal na Tagalog matapos siyang sulatan ni Marcelo H. del Pilar ukol sa paggalaw ng ilang mga kababaihan sa Malolos upang makamit ang mga reporma sa edukasyon para sa mga kababaihan sa pamamagitan ng paghain ng isang petisyon sa Gobernador-Heneral. Sila ay hinayaang magsimula ng isang panggabing eskwelahan upang makapag-aral ng Espanyol sa ilalim ni Teodoro Sandiko.

Makikita sa sulat niyang ito ang pagkamulat ng kanyang mata sa mga kakayahan ng kababaihang Pilipino, na sila ay mayroon ring kakayahang ipaglaban ang kanilang mga pananaw at paniniwala, at hindi nalilimitahan lamang ng mga karaniwang papel nila sa lipunan.

Sa sulat na ito rin naghain si Rizal ng mga paalala at payo para sa mga sa kababaihan:

“First of all. That the tyranny of some is possible only through cowardice and negligence on the part of others.

Second. What makes one contemptible is lack of dignity and abject fear of him who holds one in contempt.

Third. Ignorance is servitude, because as a man thinks, so he is; a man who does not think for himself and allowed himself to be guided by the thought of another is like the beast led by a halter.

Fourth. He who loves his independence must first aid his fellowman, because he who refuses protection to others will find himself without it; the isolated rib in the buri is easily broken, but not so the broom made of the ribs of the palm bound together.

Fifth. If the Filipina will not change her mode of being, let her rear no more children, let her merely give birth to them. She must cease to be the mistress of the home, otherwise she will unconsciously betray husband, child, native land, and all.

Sixth. All men are born equal, naked, without bonds. God did not create man to be a slave; nor did he endow him with intelligence to have him hoodwinked, or adorn him with reason to have him deceived by others. It is not fatuous to refuse to worship one's equal, to cultivate one's intellect, and to make use of reason in all things. Fatuous is he who makes a god of him, who makes brutes of others, and who strives to submit to his whims all that is reasonable and just.

Seventh. Consider well what kind of religion they are teaching you. See whether it is the will of God or according to the teachings of Christ that the poor be succored and those who suffer alleviated. Consider what they preaching to you, the object of the sermon, what is behind the masses, novenas, rosaries, scapularies, images, miracles, candles, belts, etc. etc; which they daily keep before your minds; ears and eyes; jostling, shouting, and coaxing; investigate whence they came and whiter they go and then compare that religion with the pure religion of Christ and see whether the pretended observance of the life of Christ does not remind you of the fat milch cow or the fattened pig, which is encouraged to grow fat nor through love of the animal, but for grossly mercenary motives.”

Dito makikita ang pagbibigay-diin ni Rizal sa importansiya ng edukasyon at ng kakayahan ng isang tao na mag-isip para sa kanyang sarili. Dito rin ay nabanggit niya ang pagkakapantay-pantay ng lahat ng tao, na lahat ay may karapatang makapag-aral at na dapat ay pinapa-iral ang paggamit ng lohika sa lahat ng bagay, at sinasabing hindi masama ang pagkwestiyon sa mga sinasabi ng iba – lalo na ng simbahan.

Ang mga payong ito ay masasabing mga pangunahing hakbang na maibibigay ni Rizal upang malabanan ang diskriminisasyong naglipana noong kanyang panahon – at kung atin itong isasalamin sa kasalukuyan, ang simpleng mensahe na ang edukasyon ay isang importanteng hakbang upang malutas ang problemang ito ay maaari pa ring magamit sa kasalukuyang panahon.

Bibliography:

Ballano, Ven. “Rizal and his Times (19th Century),” The Ven Ballano Blog, June 30, 2009, http://vballano.blogspot.com/2009/06/rizal-and-his-times-19th-century.html.

Coulter, Paulette. “Questioning the Status of Rizal’s Women in Noli Me Tangere and El Filibusterismo,” Pacific Asia Inquiry Volume 6, Number 1, 2015.

de los Santos, Epifanio, “More about Jose Rizal,” Revisita Filipina, Volume 2, Number 1, January 1917.

Tiongson, Nicanor, “The Women of Malolos,” Ateneo de Manila University Press, 2004 Women’s Role in Philippine History: Selected Essays Second Edition. Quezon City: University Center for Women’s Studies University of the Philippines, 2001

Ma. Guererro, Leon. “Jose Rizal’s Noli Me Tangere,” Guerrero Publishing, Inc. Fifth Edition, Published 2009.


bottom of page