top of page

Diskriminasyon sa Modernong Panahon

Matapos ang pagtingin sa diskriminasyon na umiral noong panahon ni Gat. Jose Rizal na sinalamin ng katauhan ni Sisa sa kanyang nobela na Noli Me Tangere, nararapat lamang na tingnan ang estado ng diskriminasyon sa bansa upang makita kung may pagkakapareho at pagkakaiba ang mga pangyayari sa panahong isinulat ni Rizal ang Noli at sa ating panahon ngayon. At tingnan rin kung may naging mga pagbabago ba sa ating bansa pagdating sa usapin ng diskriminasyon makalipas ang isang daan at dalawampu’t siyam na taon mula ng isulat ang nobela at nabuhay ang karakter ni Sisa.

Estado ng Diskriminasyon ayon sa datos

I. Kasarian. Ang usapin ng diskriminasyon sa kasarian ay naging mas komplikado sa panahon ngayon. Ito ay marahil na rin sa hindi lamang nakukulong ang usaping pangkasarian sa babae at lalaki lamang. Mas marami ng “gender identities” na tinatawag na bumubuo sa isang LGBT++ Community. At ang usaping LGBT+ ngayon ay isang napakalawak na mundo. Ngunit para sa kabuuang usaping aming tinatalakay at sa paguugnay nito sa karakter ni Sisa, lilimitahan ang pagsusuri ng mga datos at akda na may kaugnayan sa diskriminasyon sa pagitan ng mga babae at lalaki.

Sa loob ng sampung taon, napanatili ng Pilipinas ang pwesto nito sa sampung pinaka “gender-equal” na bansa sa mundo. Ito ay ayon sa Global Gender Gap Report 2016 ng World Economic Forum na inilabas noong Oktubre 26,2016. Ito ay batay sa apat na salik: Partisipasyon at oportunidad sa ekonomiya, edukasyon, kalusugan, at political empowerment (Geronimo, 2016). Nanguna ang bansa sa kalagayan ng edukasyon at kalusugan ng kababaihan. Malaking pagbabago ang posisyon ng bansa sa edukasyon mula 34 noong 2015 samantalang nanguna rin tayo sa kalusugan noong nakaraang taon. Ngunit magandang tingnan na hindi nagbago ang posisyon natin sa political empowerment at bumaba ng limang pwesto sa partisipasyon at oportunidad sa ekonomiya. Malaking bahagi ng pagbaba sa ekonomikal na sailk ng kababaihan ang pagbaba ng numero ng mga mambabatas, senior officials at managers. Mula sa 1.33 na equality score, bumaba ito ng 0.871. Mababa din ang grado ng bansa pagdating sa mga babaeng may posisyon sa gobyerno na 0.25 kung saan ang pinakamataas ay 1. Sa pagtigin sa mga datos na ito, makikita na maaring ang posisyon ng Pilipinas ay idinikta ng napakataas na grado nito sa dalawang salik lamang ngunit nasa katamtaman o di kaya mababa sa dalawang salik. At maaari ding sabihin na hindi pa lubos na ramdam yung pantay na pagtingin sa babae at lalaki kung nakatuon lamang ang pansin sa iilang parte ng kanilang buhay (World Economic Forum, 2015;2016).

At kung titingnan ang nagiging pagtrato sa kababaihan sa bansa sa mga nakalipas na taon, may isang napakalaking butas sa pagiging “gender-equal” ng bansa. May pagiisip pa rin na umiiral na ang babae ay ginawa para sa mga lalaki, at tila ba ay mas umiiral yung “rape culture” at ang paninisi sa biktima sa bansa. Ayon sa Center for Women Resources, kada 53 minuto, isang babae o bata ang ginagahasa at kada 16 na minuto naman, may babaeng pinagbubuhatan ng kamay(Villanueva, 2016). Pangatlo sa pinakamaraming kaso ng pangaabuso sa kababaihan ang kaso ng panggagahasa mula 1999 hanggang 2009 (Philippine Commission on Women, n.d.).

Ang mga numero at police records ay kailanman hindi magiging sapat para makita ang kabuuang kalagayan ng bansa pagdating sa usapin ng rape kahit pa tumaas ng 92 na porsyento ang mga inihaing kaso ng rape mula 2010 hanggang 2014 (Villanueva,2016). ). Tatlo lamang sa 10 kababaihang Pilipino na nakaranasan ng sexual abuse ang humihingi ng tulong sa awtoridad at mas pinipili na lamang na sa pamilya at kaibigan na laman dumulog, ayon sa ulat ng National Demographic and Health Survey. Ang pangunahing dahilan dito ay ang hindi pagrereport ng mga biktima dahil na rin sa magiging tingin sa kanila ng lipunan. Isa rin sa dahilan ay ang takot na mapahiya o di kaya ay masisi pa sa nangyari sa kanya. Kaya madalas ay itinatago na lamang ang mga ganitong pangyayari,hindi para protektahan ang may sala kung hindi para pangalagaan ang katauhan ng bikitma (Rodriguez,2015).

Bukod sa mga pangaabuso, nakakaranas din ang kababaihan ng diskriminasyon sa trabaho. Inirerepresenta ng mga datos na isinaad kanina mula sa ulat ng World Economic Forum, na sa numero pa lamang ng mga natatangap sa trabaho ng babae ay may pagkakaiba sa dami ng tinatanggap na lalaki. Bukod pa sa diskriminasyon sa pagpasok pa lamang sa trabahon, nakakaranas di ng hindi pantay na pagtrato sa kababaihan sa mismong trrabaho nila. Isa na rito ay ang hindi makatwirang patakaran na tumatalakay sa mga babaeng buntis (U.S. Department of State, 2015).

May umaapaw na machismo sa Pilipinas ay hindi maikakaila. Bukod sa mga datos maging sa mga balita na lumalabas at napapanood o di kaya nababasa. Sumasaliman ang ilang mga balitang ito sa lagay ng isinusulong na pantay na pagtinging sa babae at lalaki. Ang mababang pagtingin sa kababaihan ay pinatuyan pa ng ilang mga may kapangyarihan. Isang magandang halimbawa ay ang mga tinuturan ni Pangulong Rodrigo Duterte. Ilan na rito ang mga sinabi niya ukol sa panggagahasa sa isang Australian missionary (Yap, 2016; Cook,2016; Cambell,2016), ang mga pahayag niya ukol kay Sen. Leila De Lima (Ager, 2016; Pasion, 2016) at ang pinakahuli, ang sinabi niya sa isang talumpati ukol kay Bise Presidente Leni Robredo (Billones, 2016; Adel, 2016). Ang mga pangyayaring ito ay malaking bahagi ng pagpapantili ng kaisapan na mas mahina, mas nakakababa ang mga babae sa mga lalaki lalo na kuing galing ito sa pinakamakapangyarihang tao sa pamahalaan, at ito’y sinasalamin ng mga komentaryo makikita sa Internet kung saan marami ang patuloy na sumasang-ayon at sumusuporta sa kanyang mga pahayag.

II. Katayuan. Ayon kay Pierre Bourdieu, ,malaki ang ginagampanan ng economic at social capital sa katayuan ng isang tao sa lipunan. Hindi ito nakatuon sa isang aspeto lamang ngunit kinokonsidera ang lahat ng maaaring makaapekto sa kung saan makikita sa lipunan ang isang indibidwal. Ang katayuan ng isang tao ay ,maaari matamo o di kaya ay nakakabit na ito sa kanya mula pa lang ng siya ay ipinanganak. Ngunit mas malaki ang epekto sa katayuan sa buhay ng isang tao ang katayuan ng pamilya kung saan sya ipinanganak. (Blunden, 2004).

Sa Pilipinas, isa marahil sa pinakaepektibong pagrepresenta sa malaking agwat ng mayaman at mahirap ay ang pisikal na anyo ng Metro Manila. Sa likod o di kay sa tabi ng mga naglalakihang gusali ay ang mga squatters’ area. Ipinapakita na kahit sa pinakamayayamang lungsod, hindi lahat ng taong naninirahan ay nakakaranas ng magandang buhay (Albert & Martinez, 2015).

Noong 2014, tumaas ng 6.1% ang GDP ng Pilipinas ngunit ang pagtaas na ito ay mas naramdaman ng 50 sa pinakamayamang pamilya sa bansa. Tumaas ng 13% ang yaman ng mga pinakamayaman sa Pilipinas mula $65.8 billion ay naging $74.2 billion. Tumaas ng $8.45 billion ang kanilang yaman na kung titingnan ay kalahati na ng tinaas ng GDP ng bansa (Taruc, 2015).

Bakit mahalaga na pagusapan ang malaking agwat ng mayaman at mahirap? Ito ay nagiging dahilan ng hindi pantay na oportunidad sa mayaman at mahirap pagdating sa mga aspeto tulad ng edukasyon, kalusugan at maging sa kabuhayan (International Monetary Fund, 2015). Mas malaki ang oportunidad sa mas mataas na kalidad na edukasyon ang mayayaman kumpara sa mahihirap. Ang edukasyon ay itinuturing na mahalagang instrumento para sa pagpapabuti ng buhay ng mahihirap kaya’t patuloy pa rin ang paglaban para sa isang sistema ng edukasyon kung saan may pantay na oportunidad para sa mayaman at mahirap (Mesa, 2007).

III. Uri. Noong ika19-siglo, ang lipunan ay nahati ang lipunan sa peninsulares, insulares, ilustrados, principalia, mestizos at indios. Makalipas ang ilang daan taon, nahahati pa rin ang lipunan na ngayon ay tinatawag na upper, middle, working at lower class. Ang lower class ay yung mga tao na natutukoy dahil sa kanilang kahirapan, kawalang ng trabaho at kung minsan ay pati permanenteng tirahan at pati na rin sa kanilang edukasyon. Ang mga nasa working class naman ay mga manggagawa, ang mga “manual laborer”. Minsan ay hindi nakapagtapos ng pag-aaral ngunit may mga kakayahan na kailangan sa isang trabaho. Ang middle class naman ay nahahati rin sa dalawa, ang lower middle class at upper middle class na ang pagkakaiba ay ayon din sa antas ng edukasyon at kita sa trabaho. Madalas na mga propesyonal ang mga nasa upper middle class. At ang huli, ang upper class, na nahahati rin sa dalawa, ang lower-upper at upper-upper. Ang nasa lower-upper ay ang mga tao na nakuha ang yaman dahil sa negosyo, pagiinvest at iba pa. Ang nasa upper-upper naman ay yung mga tao na ang yaman ay nagmula pa sa mga naunang henerasyon (Cliffsnotes,n.d.).

Madalas na biktima ng diskriminasyon ang mga nasa working class. Madalas ay hindi sapat ang ibinabayad sa kanila at kung minsan ay labis pa ang pagiging delikado ng kanilang trabaho. Isyu pa rin hanggang ngayong ang kontraktuwalisasyon na nagbibigay daan sa pagpapatuloy ng kalakaran ng pagkakait ng benipisyo sa mga manggagawa. Isyu din ang land reform hanggang ngayon na isa dahilan ng pagpapatuloy ng pagsasamantala ng mga may-ari ng lupa sa mga magsasaka. Ang kalidad ng serbisyo na ibinibigay ng libre ng pamahalaan ay maaaring ituring na diskriminasyon sa kadahilanan na may malaking deperensya sa kalidad at mga pasilidad nagbibigay ng serbisyo kumpara sa mga pribado at may bayad na institusyon na hindi naman abot-kaya para sa mga nasa mababang class ng lipunan (Formaran, 2012) .

Sanggunian:

World Economic Forum. (2016). Global Gender Gap Report 2016. Retrieved from:

http://reports.weforum.org/global-gender-gap-report-2016/economies/#economy=PHL

World Economic Forum. (2015). Global gender gap report 2015. Retrieved from:

http://reports.weforum.org/global-gender-gap-report-2015/economies/#economy=PHL

Geronimo, J. PH still among 10 most gender-equal nations. Rappler. Retrieved from:

http://www.rappler.com/nation/150307-ph-global-gender-gap-report-2016

U.S. Department of State. (2015). Country reports on human rights practices for 2015. Retrieved

from: http://www.state.gov/j/drl/rls/hrrpt/humanrightsreport/index.htm#wrapper

Philippine Commision of Women.. (n.d). Rape. Retrieved from:

http://pcw.gov.ph/focus-areas/violence-against-women/rape

Villanueva, R. (Marso 16,2016). ‘One woman or child is raped every 53 minutes’. Philippine

Star. Retrieved from:

http://www.philstar.com/headlines/2016/03/06/1560073/one-woman-or-child-raped-every-53-minutes

Rodriguez,F. (June 02,2015). Don’t blame victims - Commission on Human Rights. Rappler.

Retrieved from:

http://www.rappler.com/move-ph/issues/gender-issues/95035-victim-blaming-women-chr

Abad, G. (2006). Rape victims viewd as ‘dirty women’. Bulatlat. Retrieved from:

http://bulatlat.com/news/6-12/6-12-dirty.htm

Guidaben, A. (2014). Special Report: Rape in the Philippines: Numbers reveal disturbing trend.

GMA News Online. Retrieved from:

http://www.gmanetwork.com/news/story/376614/news/specialreports/special-report-rape-in-the-philippines-numbers-reveal-disturbing-trend#sthash.KZuy1zjU.dpuf

Asian Development Bank. (2013). Gender equality in the labor market in the philippines.

Retrieved from:

https://www.adb.org/sites/default/files/publication/31194/gender-equality-labor-market-philippines.pdf

Philippine Commission on Women. (2013). Statistics on filipino women and men's labor and

employment. Retrieved from:

http://www.pcw.gov.ph/statistics/201405/statistics-filipino-women-and-mens-labor-and-employment

Philippine Commission on Women. (2013). Statistics on filipino women and men's overseas

employment. Retrieved from:

http://www.pcw.gov.ph/statistics/201405/statistics-filipino-women-and-mens-overseas-employment

Philippine Commission on Women. (2013). Statistics on violence against Filipino women.

Retrieved from:

http://www.pcw.gov.ph/statistics/201405/statistics-violence-against-filipino-women

Philippine Commission on Women.(2016). PCW denounces victim blaming, shaming. Retrieved

from: http://www.pcw.gov.ph/article/pcw-denounces-victim-blaming-shaming

ABS-CBN News. (July 19, 2016). Tito Sotto guilty of ‘victim blaming’, PCW says. Retrieved

from:

http://news.abs-cbn.com/entertainment/07/19/16/tito-sotto-guilty-of-victim-blaming-pcw-says

Jimenez, J. (July 21,2016). Tito Sotto on ‘victim-shaming’accusations: Its not true. Philippine

Star. Retrieved from:

http://www.philstar.com/entertainment/2016/07/21/1605152/tito-sotto-victim-shaming-accusations-its-not-true

Cook, J. (July 02,2016). Misogynistic Philippines Leader Duterte Continues To Disrespect

Women. Huffington Post. Retrieved from:

http://www.huffingtonpost.com/entry/misogynistic-philippines-leader-rodrigo-duterte_us_575043bbe4b0eb20fa0ce55e

Pasion, P. (August 18,2016). Women's groups back De Lima, hit Duterte's 'sexist harassment'.

Rappler. Retrieved from:

http://www.rappler.com/nation/143506-women-groups-de-lima-duterte-sexist-harassme

Billones, T. (Nov. 09,2016). Duterte: Remarks on Leni's knee 'appropriate, necessary'. ABS-CBN

News. Retrieved from:

http://news.abs-cbn.com/news/11/09/16/duterte-remarks-on-lenis-knee-appropriate-necessary

Adel, R. (Nov. 09,2016). Leni on Duterte’s Remarks: Right to be offended by it. Philippine Star.

Retrieved from:

http://www.philstar.com/headlines/2016/11/09/1642060/leni-dutertes-remarks-right-be-offended-it

Yap, D. (April 30,2016). Duterte speaks like a pimp, women’s right group says. Philippine Daily

Inquirer. Retrieved from:

http://newsinfo.inquirer.net/782466/duterte-speaks-like-a-pimp-womens-rights-group-say

Campbell, C. (April 18,2016). Philippine Presidential Candidate Defends Remarks on Rape:

‘This Is How Men Talk’. Time. Retrieved from:

http://time.com/4297234/rodrigo-duterte-davao-city-philippines-rape-president-election-jacqueline-hamill/

Ager, M. (September 23,2016). De Lima: Duterte is misogynist, chauvinist. Philippine Daily

Inquirer. Retrieved from:

http://newsinfo.inquirer.net/818338/de-lima-duterte-is-misogynist-chauvinist

Formaran, R. (2012). Social Inequality in the Philippines.

Types of Social Classes. Cliffnotes. Retrieved from:

https://www.cliffsnotes.com/study-guides/sociology/social-and-global-stratification/types-of-social-classes-of-people

Mesa, Eirene. (2007). Measuring education inequality in the Philippines. The Philippine Review

for Economics. Vol XLIV, No.2. pp33-70. Retrieved from:

http://pre.econ.upd.edu.ph/index.php/pre/article/view/227/630

Dabla-Norris E.,Kochchar,K.,Suphaphiphat,N.,Ricka, F., & Tsounta,E. (2015). Causes and

Consequences of Income Inequality: A Global Perspective. Retrieved from:

https://www.imf.org/external/pubs/ft/sdn/2015/sdn1513.pdf

Taruc, P. (2015). A tale of two economies: Exclusive growth in the Philippines. CNN. Retrieved

from:

http://cnnphilippines.com/business/2015/02/26/a-tale-of-two-economies-exclusive-growth.html

Albert, J. & Martinez, A. (2015). Are poverty and inequality changing?. Rappler. Retrieved

from: http://www.rappler.com/thought-leaders/84833-poverty-inequality-data

Blunden, A. (2004). Bourdieu on Status, Class and Culture. Retrieved from:

http://home.mira.net/~andy/works/bourdieu-review.htm


bottom of page